
Araw para sa lahat, solar para kanino? Pagbibigay-liwanag sa pagkakaroon ng sustainable na solar transition para sa ating mga sakahan Bukod sa tumataas na presyo ng kuryente sa mga bahay, apektado rin ng krisis sa enerhiya dulot ng digmaan sa Middle East ang itinuturing na backbone ng ating ekonomiya: ang sektor ng agrikultura. Ayon sa Food and Agriculture Organization, nakararanas ng matinding pressure ang mga magsasakang Pilipino sa kasagsagan ng tumataas na presyo ng fuel na kailangan para sa irigasyon at mga makina sa sakahan. Sa kontekstong ito, lalong kinakailangan ang panawagan para sa pag-transition ng Pilipinas sa paggamit ng renewable energy, at isa ang solar sa mga pinakamatunog na pamamaraan. Isa ang agrikultura sa mga sektor na pinakamakikinabang sa naturang transition. Ayon kina Agaton at Guno (2024), ang paggamit ng irigasyon na binubuhay ng solar power (solar-powered irrigation system o SPIS) ay makatutulong sa mga magsasaka na makatipid at madagdagan ang kanilang kita, bagaman kinakailangan ng malaking kapital upang makabili nito. May dalawang pamamaraan na ginamit ang mga mananaliksik para mapatunayan ang resulta ng pag-aaral: una, ikinumpara nila ang pangmatagalang gastos at ipon sa paggamit ng solar laban sa diesel, at sinuri ito kaugnay ng pabago-bagong presyo ng diesel. Nadiskubre nila na makatitipid nang USD 556.26/ha kada taon (₱31,870/ha gamit ang 2024 conversion rate) ang mga magsasaka, at kayang mabawi ang ginastos sa pagpapatayo ng solar panels sa loob ng humigit-kumulang anim na taon. Gayunman, sa kabila ng lumalawak na interes at adbokasiya sa paggamit ng solar energy, hindi pa rin lumalaganap ang paggamit nito dahil sa komplikadong installation, pinansyal na suliranin, at iba pa (Basahin ang ulat ng Rappler dito). Kaya naman hindi na rin nakagugulat na, batay sa datos ng Institute for Climate and Sustainable Cities, humigit-kumulang 76 porsyento ng 1,846 MW na kapasidad ng bansa para sa solar energy ay utility-scale o pangmalawakang installations, at 11 porsyento lamang nito ang para sa komersyal habang 13 porsyento para sa pambahay na gamit. Maaaring nakababahala ang impormasyong ito—tingnan na lamang ang pag-aaral na isinagawa ni Principe (2004). Gamit ang satellite imagery, nadiskubre niyang lumawak nang 333 porsyento ang solar farms sa Tarlac, mga installation site na pumalit sa damuhan at sakahan. Tinatanya rin ng kanyang pag-aaral na tataas sa 60 porsyento ang paglawak ng solar farms pagpatak ng 2027 na maaaring magkaroon ng implikasyon sa suplay ng pagkain, bagay na kinakailangan ng mas malalim pang pag-aaral. Nananatili ang katanungan kaugnay nito: paano natin matitiyak na kapaki-pakinabang ang solar transition para sa ating mga sakahan at hindi maging perwisyo sa mga ito? Iminungkahi nina Agaton at Guno (2024) na (1) magkaroon ng insentibo, polisiya, at tulong-pinansyal para matugunan ang gastusin ng small-scale farmers sa pag-adopt ng SPIS; (2) makipagtulungan sa NGOs at international funders para mas mapaigting pa ang mga naturang hakbang; at (3) ipagpatuloy ang pagsulong sa mas mahigpit na climate targets na maaaring magpababa ng presyo ng SPIS. Makatutulong din ang mga suhestyong inilathala sa policy paper ng UP CIDS patungkol sa pangangasiwa ng solar panel sa pamamagitan ng mga prinsipyong ginagamit sa circular economy. Una na rito ang pagkakaroon ng “second-life market” kung saan maaaring ipamahagi, sa mas murang halaga, sa rural at underserved na komunidad ang solar panels na nagamit na pero gumagana pa. Sa ganito, mapapalawig ang access sa malinis na enerhiya nang hindi nangangailangan ng utility-scale capacity. Isa pa sa mga solusyon ay ang pagsasabatas ng extended producer responsibility (EPR) na magre-require sa manufacturers at importers na pondohan ang pagkolekta, pag-ayos, at muling pamamahagi ng mga nagamit nang solar panels. Ang paggamit ng teknolohiya ay isang bahagi lamang ng kailangang gawin. Ang isa pang bahagi—kung sino ang makikinabang dito—ang magdiidkta kung ito ay para lamang sa iilan o makararating din sa mga magsasakang sumusuporta sa atin. View Tagalog translation

Sunlight for all, solar panels for whom? Shedding light on a sustainable solar transition for our farms Beyond rising household electricity bills, the energy crisis triggered by the war in the Middle East is also straining the backbone of our economy: the agriculture sector. According to the Food and Agriculture Organization, Filipino farmers are now “growing under pressure” with rising costs of fuel needed to sustain irrigation and mechanization. In this context, calls for a renewable energy transition in the Philippines have grown more urgent than ever, and solar has emerged as the loudest among them. Agriculture is among the sectors that stand to benefit most in the said transition. Agaton and Guno (2024) argue that adopting a solar-powered irrigation system (SPIS), despite its reputation for requiring high startup capital, is in fact economically viable. The researchers crunched the numbers two ways: first comparing the long-term costs and savings of solar against diesel, then stress-testing the results against unpredictable diesel prices. They found that switching from diesel to solar-powered irrigation saves small-scale Filipino farmers around USD 556.26/ha per year (₱31,870/ha using the 2024 conversion rate), with costs recovered in about six years. Yet the growing interest in and advocacy for solar energy conversion has not yet translated into widespread adoption, largely due to installation complexities and financing constraints, among other barriers (See Rappler’s report here). Unsurprisingly, the latest figures from the Institute for Climate and Sustainable Cities show that roughly 76 percent of the Philippines’ detected solar capacity of about 1,846 MW comes from utility-scale installations, with only 11 and 13 percent from commercial and residential use, respectively. This raises a concern—take for example Principe’s (2024) case study. Using satellite imagery, he documented that solar farms in Tarlac have expanded by 333 percent, converting cropland and grassland into installation sites. His model further projects a 60 percent expansion by 2027, signaling food security implications that warrant deeper study. The question then remains: how do we ensure the solar transition powers Filipino farms rather than paves over them? Agaton and Guno (2024) recommended to (1) provide incentives, policies, and innovative financing to help small-scale farmers cover SPIS’ high upfront cost; (2) tap NGOs and international funders to supplement national financing efforts; and (3) push for stricter climate targets to drive down SPIS costs and improve affordability. The UP CIDS policy paper on solar panel management through circular economy principles also offers insights into making solar use more inclusive. The first is creating a second-life market that channels refurbished but still-functional panels to rural and underserved communities, extending clean energy access without requiring new utility-scale capacity. The second is extended producer responsibility (EPR) legislation, which would require manufacturers and importers to take back panels at end-of-life and finance their collection, refurbishment, and redistribution. Utilizing available technologies for the energy transition is only half the work. The other half—who gets to use it—decides whether this technology reaches a privileged few, or extends to the farming communities that hold us all. View Tagalog translation